1.25M Pinoy nabakunahan na kontra COVID-19

Nabakunahan na kontra coronavirus disease (COVID-19) ang mahigit na 1.25 milyong Filipino isang buwan matapos magsimula ang pagbabakuna sa bansa.

Ayon sa datos nitong Abril 13, 162,065 na ang nakatanggap ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine habang 1,093,651 ang nakatanggap na ng unang dose.

Sa kasalukuyan, mayroong 3,025,600 dose ng bakuna ang bansa mula sa Sinovac at AstraZeneca.

Sa bilang ng suplay ng bakuna, 93 porsyento o 2,801,1020 na ang naipamahagi sa 2,988 vaccination sites sa bansa.

“From the distributed doses, over 1 million (1,093,651) Filipinos: healthcare workers, senior citizens, and persons with comorbidities have been afforded partial protection through administration of the first dose,” pahayag ng National Task Force Against COVID-19.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa mga pribadong sektor upang mapaigting ang pagbabakuna.

“This partnership will allow the government to protect more Filipinos much quicker, and will allow for a larger-scale rollout of vaccines upon arrival of the procured and donated vaccines come midyear,” dagdag ng task force.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.