$1.3-B, nakatabing gov’t loans para ipambili ng Moderna COVID vaccine — Sec. Galvez

Aabot sa $1.3-billion dollars ng government loans ang magagamit ng pamahalaan para maipambili pa ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na sa ngayon ay malapit na nilang ibayad ang halagang ito sa  pharmaceutical company na Moderna.

Malapit na kasi, ani Galvez, matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine.

Ang nakalaan aniyang halagang ibabayad dito ay aabot sa kabuuang $1.3-billion dollars. 

Ito ani Galvez ang pinaka-unang alokasyon na magmumula sa loans o pondong inutang ng bansa para sa pambili  ng bakuna laban sa coronavirus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.