1.5 million doses ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng COVID-19 vaccine na Sinovac Biotech na binili ng national government mula sa China.

Mag-aalas-8 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang chartered flight 5J671 ng Cebu Pacific.

Sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III ang pinakamalaking shipment ng Sinovac vaccine.

Sa kabuuan ay umabot na sa limang milyong doses ng Sinovac ang dumating sa Pilipinas kung saan ang naunang isang milyon dito ay donasyon ng China.

Mababatid na sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na dalawang milyong doses ang nakatakdang dumating ngayong buwan.

Bukas ay nakatakda namang dumating ang dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.