1 nasawi 3 sugatan, sa pagbagsak ng PAF chopper kaninang umaga

Nasawi ang piloto, habang sugatan ang tatlong pasahero ng helicopter ng Philippine Air Force (PAF), na bumagsak sa Jetafe, Bohol, kaninang bandang 9:30 AM.

Ito ang kinumpirma ni PAF Spokesperson Lieutenant Colonel Maynard Mariano, kasabay ng pagtukoy sa chopper na involved sa insidente, bilang isang MD520MG na may numerong 410 ng 15th Strike Wing.

Unang iniulat ni Mariano, na ang chopper ay lumipad mula sa sa Mactan airbase kaninang umaga, para sa isang routine maintenance flight nang mangyari ang insidente.

Agad namang nakarating sa crash site ang mga tauhan ng PAF 505 Search and Rescue Group, 47Th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Bohol Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at isinugod sa ospital ang mga pasahero ng chopper kung saan tatlo ang survivor.

Ipinaabot ni PAF Commanding General, Lieutenant General Allen T. Paredes, ang pagdadalamhati ng buong Air Force sa pagkakasawi ng piloto sa pagganap ng kanyang tungkulin, kasabay ng pagtiyak ng tulong sa kanyang pamilya.

Samantala, grounded ang lahat ng MG520 helicopters ng Air Force habang inaalam ang sanhi ng insidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.