1,000 jeepney drivers sa Metro Manila, maaabutan ng ayuda mula DSWD

Nasa 1,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang maaabutan ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na linggo.

Ayon kay DUMPER PTDA Partylist Rep. Claudine Diane Bautista, nakipag-ugnayan na sila sa DSWD para mapabilis ang release ng financial aid sa mga public utility jeepney drivers.

Sa virtual hearing ng Committee on Transportation ibinahagi ni Bautista na batay sa update sa kanila ng DSWD ay nasa 186,940 PUV drivers na ang kanilang naabutan ng tulong na nagkakahalaga ng halos ₱1.5-billion.

Mayron naman aniyang 36,243 pa na slots para sa subsidiya na ibibigay ng DSWD.

Ayon naman kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra, nauna kasing makapagbigay ng ayuda sa regional level kaya’t bahagyang nahuli ang Metro Manila kung saan mas marami ang mga driver na nangangailangan ng tulong.

Ngunit sa ngayon ay inaayos na aniya nila at ng DSWD kung paano ito mapapabilis.

Imbes rin na personal na pamamahagi ng ayuda ay nakikipagtulungan aniya sila sa mga digital cash agents tulad ng GCash.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.