11 NPA napatay, kampo nito, sinalakay ng mga sundalo sa Surigao del Sur

Napatay ang 11 na rebelde sa serye ng engkwentro mula noong Mayo 14 sa Andap Valley sa Surigao del Sur.

Ayon sa pinuno ng Division Public Affairs Office DPAO ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na si Capt. Al Anthony Puebles, isang security operation isinasagawa ng mga sundalo nang makatanggap ito ng ulat tungkol sa presensiya ng mga miyembro ng New People’s Army.

Bagama’t hindi pa tukoy ang mga napaslang na rebelde, posible umanong mataas na opsiyal ang apat dito.

“Nag-exert po tayo ng effort diyan para ma-identify but because of the evidence na nakuha po natin doon sa encounter site, kung saan dalawa rito ‘yung laptop na pagmamay-ari nitong si Myrna Solarte, alyas Maria Malaya, ‘yung isa po ay kay Alvin Loque, na ito po ay may alyas na Joaquin Jacinto, ito po ‘yung spokesperson ng Komisyon Mindanao, mataas po ‘yung paniniwala natin na kasama po rito sa mga namatay itong apat na matataas na lider ng New People’s Army,” ani Pueblas.

Maliban sa mga laptop, limang armas, isang overhead projector, flash drives, external hard drives, dalawang anti-personnel mines, granada, pagkain at mga dokumento pa ang nasamsam sa lugar.

Napasok din ng militar ang kampo ng mga rebelde kung saan may kapasidad itong aabot sa 120 na indibidwal.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.