13 presong tumakas sa Caloocan positibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 ang 13 pumugang preso mula sa temporary detention facility sa Caloocan City Police Station ngayong umaga, Oktubre 22.

Ito ang kinumpirma ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor na dumaan sa rapid antibody tests ngunit kailangan pa rin ng confirmatory RT-PCR test.

Sa kuha sa CCTV, nakita ang pader na binutas sa bahagi ng concrete room na nagsisilbing kanilang detention cell.

Mayroong 31 indibidwal sa loob ng Caloocan City Hall Custodial Facility Unit na nakatakdang ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology facilities.

Nagtangkang tumakas ang 15 PDLs ngunit nahuli ang dalawa.

Kinilala ang 13 batay sa mga sumusunod:

  1. Martin Mama y Kaber, 46-anyos
  2. Gerrymar Petilla y Bajar, 21-anyos
  3. Hudson Jeng y Reyes, 42-anyos
  4. Aldwin Jhoe Espila y Cruz, 25-anyos
  5. Reymark Delos Reyes y Balaga, 27-anyos
  6. Norbert Alvarez y Bogarin, 35-anyos
  7. Mark Oliver Gamutia y Balarma, 21-anyos
  8. Jovel Toledo Jr y Cabrera, 27-anyos
  9. Arnel Buccat y Salangsang, 19-anyos
  10. Raymond Balasa y Fernandez, 35-anyos
  11. Reynaldo Bantiling y Novejas, 35-anyos
  12. Dunacao Aries, 28-anyos
  13. Tejeros Justine, 22-anyos

Kasalukuyang isinasagawa ang hot pursuit at iniimbestigahan na ang naturang jail break.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.