14 DPWH district engineers sinibak dahil sa korapsyon -DPWH Sec. Villar

Sinibak sa pwesto ang 14 na district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umanoy pagkadadawit sa korapsyon, ayon kay Secretary Mark Villar.

“Actually, ‘yung binanggit po ni Presidente na-relieve na,” ani Villar sa Laging Handa briefing.

“Labing apat na ang na-relieve na sa trabaho,” dagdag ng kawani.

Nitong Disyembre nang isiwalat ng Pangulo na piangsisibak niya sa pwesto ang ilang mga engineer dahil sa korapsyon base sa Presidential Anti-Corruption Commission.

Ani Villar na posibleng hindi pa ito ang huling masisibak sa kanilang hanay dahil nagpapatuloy ang kanilang paglilinis sa kanilang bakuran.

“Tuloy-tuloy naman ang imbestigasyon namin sa lahat ng mga nagsa-submit ng reports,” anang Public Works chief. “Humihingi kami ng tulong sa ibang ahensya para magkaroon ng case build up sa ibang mga complaints.”

“Magkakaroon rin kami ng rigodon sa loob ng department and marami ang magiging pagbabago. Tuloy tuloy naan ang laban sa corruption,” dagdag pa ni Villar.

“Within the month definitely. Wino-workout na namin and definitely maipatutupad na ‘yan as soon as possible.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.