14 na ang mga namatay sa dalawang magkasunod na lindol sa Mindanao

Umabot na sa 14 ang bilang ng mga namatay sa magkasunod na magnitude 6.6 earthquake noong Martes at sa magnitude 6.5 earthquake kahapon sa Mindanao.

Base ito sa huling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng alas-8:00 kagabi, kung saan umakyat din ang bilang ng mga iniulat na sugatan sa 403.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ang mga lugar na napuruhan ng pangalawang malakas na pagyanig ay yun ding mga lugar na tinamaan ng unang lindol na nakasentro sa Tulunan, Cotabato.

Nasa 6,009 na pamilya o 30,045 na indibidwal naman ang apektado sa 72 barangay sa Region 11 at 12.

Sa bilang na ito, 2,552 na pamilya o 12,760 na indibidwal ang nasa 19 na evacuation center, habang 1,370 pamilya o 6,850 na indibidwal ang tumatanggap ng tulong sa labas ng evacuation centers.

May kabuuan namang 2,817 na mga istraktura ang napinsala kung saan 1,153 ang totally damaged, habang 1,664 ang partially damaged.

Kabilang sa mga gumuhong gusali sa huling pagyanig ang Eva’s Hotel sa Kidapawan City, 6.6 earthquake at ang Brgy. Batasan Gymnasium sa Makilala, Cotabato.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.