15 pulis ng Quezon City, kinasuhan matapos matakasan ng mga naarestong Chinese workers

Isinampa na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kasong kriminal laban sa 15 miyembro ng QCPD District Force Mobile Batallion na natakasan ng mga naarestong Chinese workers noong nakaraang linggo.

Sinabi ni QCPD District Director Brig. Gen. Ronnie Montejo na nasa Quezon City Prosecutor Office na ang resulta ng kanilang imbestigasyon para sa pormal na pagsasampa ng kasong paglabag sa Revised Penal Code 224 o Evasion Resulting to Negligence.

Inihahanda na rin nila ang kasong administratibo na may parusang pagkatanggal sa serbisyo laban sa mga kapwa nila pulis.

Sinabi ng heneral, hindi siya papayag na walang mananagot sa nasabing pangyayari lalo pa at mga tauhan niya ang nasasangkot sa insidente.

Matatandaang anim na Chinese workers ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators ang inaresto ng QCPD noong nakaraang linggo.

Habang ang mga ito ay nakakulong sa custodial center sa Kampo Karingal ay walang kahirap-hirap na natakasan ang mga nagbabantay na pulis.

Sa isang follow up operations, agad naaresto ang anim na Chinese workers  sa isang creek ng Mapagkumbaba Street, Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.