1,500 Internet allowance para sa mga guro, ipinapanukala sa Kamara

Inihain ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang House Bill 7034 o Internet Allowance for Public School Teachers Act.

Layon ng naturang panukala, na mabigyang ng P1,500 na internet allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Ito aniya ay sa gitna na rin ng pagpapatupad ng Department of Education (DepEd), nang blended learning bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Castro, kailangan na mapaglaanan ito ng hiwalay na pondo upang hindi na gumastos pa ang mga guro o kaya ay ibawas sa kanilang sweldo.

Hindi rin naman kasi aniya sasapat ang chalk allowance para punan ang internet connection, lalo at kailangan din ng mga guro ng mga gadget o kagamitan para sa pagpapatupad ng blended learning.

Una nang nanawagan si Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, na isama sa 2021 national pudget ang pondo para naman pambili ng mga laptop para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.