17 patay kay Super Typhoon Rolly – NDRRMC

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction on Management Council (NDRRMC) na 17 indibidwal ang nasawi sa Region V at Calabarzon habang dalawa pa ang sugatan dahil sa pananalasa ni Super Typhoon Rolly.

Sa Batangas, sinabing isang lalaki ang nawawala sa bayan ng Ibaan.

Batay pa sa ahensya, higit dalawang milyong indibidwal mula Regions I, II, III, Calabarzon, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, IX, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region ang lubhang naapektuhan ng bagyo.

Habang 50 road sections at limang tulay rin ang hindi nakaligtas kung saan hindi pa nadadaanan ang 37 kalsada at apat na tulay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.