17 Senate staff at 45 pang staff ni Sen. Gordon sa Philippine Red Cross, nagpositibo sa COVID-19

Pito pang mga staff ni Senador Richard Gordon ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Kinumpirma ito mismo ni Gordon sa sesyon kahapon, aniya, dahil dito ay 17 na sa kanyang mga staff ang naka-quarantine ngayon matapos magpositibo sa COVID-19.

Aabot na ngayon sa 37 ang empleyado ng Senado na positibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay naka-self quarantine na rin ang senador at ang kanyang asawa dahil mayroon silang direktang contact sa mga staff na positibo sa COVID-19.

Maliban sa kanyang mga Senate staff, 45 pang staff ni Gordon sa Philippine Red Cross ang nagpositibo sa naturang virus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.