1Sambayan, iaanunsiyo ang kandidato para sa 2022 elections sa Setyembre

Umaasa ang 1Sambayan na maiaanunsyo na nila ang kanilang presidential, vice presidential at senatorial candidates sa Setyembre.

Ibinahagi ni 1Sambayan lawyer Howard Calleja, isasagawa nila ang selection process sa kanilang mga kandidato online para maging participatory at transparent for accountability.

Mababatid na binubuo ang 1Sambayan ng halos dalawa o tatlong milyong myembro mula sa 50 organizations at 20 na sumapi noong buwan ng Marso.

Handa naman anila silang bantayan ang online voting ng kanilang mga kakandidato sa 2022 elections.

Ibinunyag naman ni Calleja na may dalawampung potensyal na pangalan silang isasali para sa senatorial posts.

Ang online voting naman ay magsisimula sa June 12 at tinatayang aabot ng isang buwan bago ito matapos.

Samantala, isinasapinal at inihahanda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga ipapatupad na bagong guidelines sa panahon ng kampanya at halalan sa 2022.

Sinabi ni COMELEC commissioner Antonio Kho Jr., kabilang sa mga siguradong ipapatupad ay ang mahigpit na crowd control sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato simula sa October 1, 2021, para maiwasang maging super spreader o pagkalat ng virus ng COVID-19.

Sinabi ni Kho na papayagan pa rin naman ang campaign sorties ng mga kandidato pero kailangang masunod pa rin ang minimum health standards.

Kinumpirma ni Commissioner Kho na ang mga lumang vote counting machines (VCM) na ginamit nuong nakalipas na mga halalan ang gagamitin ulit sa May 9, 2022 national at local elections.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.