1st batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating na sa Lunes; US-made na Moderna, asahan naman sa Mayo

Maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna-unahang batch ng bakuna na galing ng Russia.

Ito ang sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa gitna ng inaasahang pagdating pa ng mga bakuna ngayong second quarter.

Ayon kay Galvez, bakuna ng Gamaleya ang inaasahan nilang paparating ngayong April 12 kasunod ng iba pang mga bakuna na paparating ngayong linggo ding ito gaya ng Sinovac.

Sa buwan naman ng Mayo ayon kay Galvez ay paparating na din ang Moderna na galing ng Estados Unidos.

Lalabas ayon sa vaccine czar na nasa 4,194,000 ang paparating na bakuna ngayong buwan hanggang sa susunod na buwan na bubuuin ng mga brand na Sinovac, Sputnik V, at Moderna.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.