1st phase ng Metro Manila subway project, tatapusin sa Disyembre 2021

Tinatarget ng administrasyong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.

Sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, na sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.

2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.

Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.

Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3, ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at ito ay sa sandaling matapos na ang proyekto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.