2 babaeng suicide bomber ang nagpasabog sa Jolo ayon kay Lt. Gen. Sobejana

Hindi lang isa kundi dalawang babaeng suicide bomber ang responsable sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang isang babaeng suicide bomber ay asawa ng teroristang si Abu Talha, ang conduit ng ISIS group sa Pilipinas.

Ang pangalawa naman aniya ay asawa ng unang Pilipinong suicide bomber na si Norman Lasuca.

Magugunitang noong Hunyo ng nakaraang taon ay pinasabog ni Lasuca ang kanyang sarili sa harapan ng kampo ng militar sa Indanan, Sulu, habang napatay naman si Abu Talha sa operasyon ng militar.

Paliwanag ni Sobejana, posibleng na-motivate ni Mundi Sawadjaan, na kamag-anak ni ASG leader Hatib Sawadjaan, ang dalawa dahil sa pagkakamatay ng kanilang mga asawa.

Dagdag ni Sobejana, ang dalawang babeng suicide bomber ang target ng apat na sundalo na napatay ng mga pulis sa shooting incident sa Jolo noong June 29.

Posible aniya na napigilan ang pambobomba kung hindi namatay ang mga sundalong tumutugis sa kanila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.