2 Chinese na nang-insulto sa Maynila, iimbestigahan ng Bureau of Immigration

Inatasan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang operatiba ng kanilang Intelligence Division na makipag-uganayan sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa hiling nito na ipa-deport ang dalawang negosyanteng Chinese na nagmamay-ari ng isang negosyo sa Binondo na may ilang produktong ibinebenta sa merkado na may tatak na “Manila, Province of China.”

Ayon kay BI OIC Spokesperson Melvin Mabulac, sa kabila ng direktiba ni Morente ay hindi pa nito natatanggap ang liham mula sa alkalde ng Maynila ngunit nagpahayag ang ahensya na handa silang magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Batay sa liham ni Domagoso sa BI, hiniling nito na masimulan na ang deportation proceeding laban kina Shi Zhong Xing at Shi Li Li, ang dalawang Chinese national na sinasabing may-ari ng Elegant Fumes Beauty Products Incorporated kung saan ang ilan sa mga itinitinda umano nitong produkto ay may labelling na “Manila, Province of China.”

Ayon sa alkalde, handa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na magsumite sa BI ng mga kinakailang dokumento na maaaring maganit sa deportation proceedings.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Immigration kay Domagoso sa pagtulong nito sa nasabing ahensya sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa ginawa ng dalawang nasabing dayuhan.

“We assure the public that BI will file a deportation case against the involved foriegn nationals if found to have violated the immigration law.” saad ni Mabulac.

“We remind all foreign nationals to respect the Philippine laws and not abuse the Filipino hospitality.” dagdag pa ng opisyal.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.