2 miyembro ng Abu Sayyaf arestado ng NBI sa Pasay City

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Pasay City.

Iniharap sa media ang mga suspek na sina Jamar Ibi, alyas Bas at Raden Jamil, alyas Tamiya, kapwa sangkot sa Jehova’s Witness kidnapping noong 2002 sa Patikul, Sulu .

Kabilanh din sila sa order of arrest na inisyu ng korte dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom.

Ayon kay NBI director Eric Distor, ang operasyon laban sa dalawa ay nag-ugat sa impormasyong natanggap ng NBI

Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) kaugnay sa Abu Sayyaf member na nakilalang si Bas na nagsilbing perimeter guard nanh mangyari ang kidnapping at si Tamiya ay namataan sa Pasay City.

Sina Ibi at Jamil ay positibong kinilala ng testigo sa photo line-up.

Ayon kay Distor, matapos ang survellaince operations na isinagawa ng NBI-CTD kasama ang AFP counterparts ay agad na nagtungo ang mga operatiba sa target area at matagumpay na naaresto sina Ibi at Tamiya.

Ang dalawa ay kasalukuyan nang nakakulong sa NBI.

Sinabi ni Distor na mula Enero ay walang tigil ang pagsisikap ang NBI partikular ang Counter Terrorism Division na nagresulta sa pagkakaaresto na ng limang miyembro ng notorious Abu Sayyaf Group.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.