2 urgent bills ng Pangulong Duterte, naipasa ng Kamara bago matapos ang special session

Sa botong 267 na affirmative, anim na negative, at zero abstention ay tuluyan nang pinagtibay ng Kamara sa third at final reading ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) sa huling araw ng special session ng Mababang Kapulungan.

Bumuo naman ng isang small committee ang Kamara na tatanggap ng individual amendments ng mga kongresista na kailangang maisumite ng hanggang October 19.

Ipapasa naman ng Kamara sa Senado ang soft copy ng approved ₱4.5-trillion 2021 GAB sa October 28 alinsunod na rin sa hiling ng Mataas na Kapulungan bilang paghahanda naman sa kanilang deliberasyon sa November 9.

Hiniling naman ni Appropriations Committee Vice Chair Paul Daza na ikonsidera sa mga amiyenda ang pagbibigay ng pondo para sa bagong tatag na National Commission on Senior Citizen at State Universities and Colleges gayundin ang pagdaragdag ng budgetary allocation sa Deparmtment of Human Settlements and Urban Development.

Tulad naman ng ipinangako ng liderato ng Kamara, inaprubahan din nito ang panukala na magbibigay ng Anti-Red Tape powers sa Pangulo oras na maharap ang bansa sa isang national emergency bago matapos ang special session nito nitong Biyernes.

Sa botong 267 – Affirmative, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 7884 na layong bigyang awtoridad ang Pangulo na paikliin ang oras o araw ng pagproseso o kaya’y i-suspend muna ang mga requirements para sa national and local permits, licenses at certifications, upang mapabilis ang pag-isyu sa mga ito oras na maharap ang bansa sa isang national emergency tulad na lamang ng COVID-19.

Sakop ng panukala ang lahat ng ahensya sa ehekutibo, kabilang na ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities, at government owned and controlled corporations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.