2,000 na silya ipinadala sa NAIA terminal 2 & 3 bilang pagsunod sa utos ni PRRD

Mas marami nang mauupuan ngayon ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa 2,000 silya na dinala sa Terminals 2 and 3.

Sa panayam ng Philippine News Agency kay Consuelo Bungag, Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Department’s officer-in-charge, ang MIAA ang bumili ng mga silya noong Hulyo 1 at ilalagay sa loob at labas ng dalawang terminal.

Aniya, “The terminal (managers) would determine (where these would be placed) based on the need to deploy them. Because with the limited flights that we have (now), we have enough seats so far.”

Matatandaang noong Hunyo 30 ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kulang ang mga upuan sa main gateway ng ating bansa. Ipinag-utos niya na alisin ang mga restoran at maglagay ng mas maraming upuan para sa mga pasahero.

Noong Hulyo 1 ay nag-ikot si Transportation chief Arthur Tugade sa NAIA. Aniya, ang mga stranded na pasahero ay dapat na asikasuhin.

Ayon sa kalihim, “We would feed them as long as we can.”

Uunahin na umano niya ang kapakanan ng mga pasahero kaysa makipagtalo sa airline companies kung sino ang responsable para pakainin ang mga ito.

“We would not remove concessions. If these are not (currently) being used, we would ask these to be opened, not to operate but for the passengers to have a place to go to while they are here,” ayon pa kay Tugade.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.