2019 Elections – Mayor Sara Duterte ang posibleng makakalaban ni Sen. Grace Poe sa pagiging No.1 sa Senatorial position! – Sen. Pimentel

Grace-Poe-and-Sara-Duterte-Carpio

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte lang ang pwedeng makakalaban ni Sen. Grace Poe sa pagiging number one sa darating na May 2019 senatorial elections.

Sabi ni Sen. Pimentel, pangulo ng PDP Laban, bagamat hindi pa nagdedesisyon si Mayor Sara kung tatakbo ba o hindi sa pagka-senador sa darating na 2019 elections, siya’y nasa No. 5 na sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia.

koko pimentel sara duterte grace poe

Aniya, kapag nagdesisyon si Mayor Sara at kanyang i-anunsyo na siya’y kakandidato na sa pagka senador, malamang na siya na nga ang makakalaban ni Poe sa pangunguna sa mga survey at sa darating na halalan.

Hindi pa man desidido si Mayor Sara sa pagtakbo sa darating na eleksyon, sinigurado ni Pimentel na may nakareserbang isang slot sa PDP Laban para sa Presidential daughter, ito’y kung sakaling magbago ang isip niya at magdesisyon na kakandidato.

Si Mayor Sara ay may sariling grupo, ang Hugpong ng Pagbabago na mismong kanyang pinamumunuan.

Sa kanyang reaksyon “I am overwhelmed by the trust and confidence. I think our fellow Filipinos are interested in the work that my administration, both now and in 2010, has done in Davao City” Duterte said.

 

Sa ngayon, sinabi ni Pimentel na mayroon na silang siyam na potensyal na kakandidato sa ilalim ng PDP Laban at tatlo na lang para makumpleto na ang 12-slate.

Ang siyam na maaring maging pambato ng PDP Laban ay sina BuCor Chief Bato dela Rosa; Congressmen Carlo Nograles, Monsour del Rosario, at Dong Mangudadatu; Secretary Harry Roque, Secretary Francisco Tolentino, Special Assistant to the President Bong Go, at si Pimentel.

Mga reaksyon ng mga netizens:

poe duterte

 

Source: Radyo Pilipinas / Facebook

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.