2021 national budget, sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Duterte

Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Php 4.5 trillion na 2021 proposed national budget.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay na rin ng anunsyo ng pagpapatawag ng special session ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa Oktubre 13-16, upang ipagpatuloy ang deliberasyon ng pambasang pondo.

“Ipinagbibigay alam po natin sa sambayanang Pilipino na nagpatawag po ng special session si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Kongreso. Ito po ay para sa October 13 hanggang October 16. Ito po ay para talakayin ang national budget, at sa kaparehong proclamation po ay cinertify as urgent ng ating Pangulo ang proposed 2021 budget.” ani Secretary Roque.

Ayon kay Secretary Roque, ginawa ng Pangulo ang hakbang na ito dahil mahalaga na maisabatas ang proposed 2021 national budget lalo’t ito aniya ang gagamitin ng bansa sa nagpapatuloy na laban nito sa COVID-19 pandemic.

“Ginawa po ito ni Presidente dahil importanteng maipasa, maisabatas ang proposed 2021 national budget dahil ito po ang gagamitin natin laban sa COVID-19 pandemic.” pahayag ni Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.