252 health workers sa bansa nagpositibo sa COVID-19 -DOH

Nakapagtala na ng 252 healthcare workers sa Pilipinas ang kumpirmado sa coronavirus disease, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health ngayong Miyerkoles, Abril 8.

Base sa datos ng DOH na mula sa kabuuang bilang ay 152 dito ang doktor at 63 naman ang nars.

Ayon pa kay Dr. Beverly Ho na 12 sa mga doktor ang nasawi dahil sa COVID-19.

“Kumpirmado po na 12 ang pumanaw na healthcare workers dahil sa COVID-19.”

Sa kabilang banda, sinabi rin ng DOH na nasa hurisdikyon ng mga hospital na magpatupad ng flexible working duty schedule para sa kanilang mga health workers

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.