252 pulis, nasibak simula nang umupo sa puwesto si PNP Chief Sinas

Aabot sa 252 pulis na may kinalaman sa iligal na droga ang nasibak simula nang umupo bilang Philippine National Police (PNP) Chief si Police General Debold Sinas.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police-Integrity Monitoring Enforcement Group-NCR Police Lieutenant Colonel Lito Q. Israel.

“Since he assumed the post on November 10, 2020, he has dismissed already 252 PNP personnel,” pahayag ni Israel.

Ayon pa kay Lt. Col Israel, ang isang lieutenant colonel ang pinakamataas na posisyon na nasisibak.

Dagdag pa ni Col. Israel, dahil alam na ng mga pulis na ito ang laro ng mga sindikato, natutukso ang mga ito na sumali na rin sa iligal na gawain.

Ayon pa kay Col. Israel, simula July 1, 2016 hanggang March 24, 2021, nasa 4,974 na mga pulis na ang nasibak sa pwesto sa buong bansa.

Aniya, karamihan sa mga nasibak sa pwesto ng mga pulis ay may kaugnayan sa iligal na droga.

“617 personnel officers and non-commission officer and 13 non-uniformed personnel were dismissed due to drug related cases,” aniya pa.

Dagdag pa ni Col. Israel, 8,806 na ang nasuspinde na mga pulis, 1,973 ang sinaway, 943 ang na-demote sa pwesto, 716 ang hindi bibigyan ng sahod, 24 ang hindi na muna bibigyan ng mga benepisyo at 132 na mga pulis ang mahigpit na binabantayan.

Ito ay simula ng umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang sa kasalukuyan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.