3 bagong biling chopper gagamitin kontra terorismo -PNP

Iginiit ng Philippine National Police na paiigtingin ng tatlong bagong biling multi-role police helicopters ang kampanya kontra terorismo ng pamahalaan.

“These new air assets will further boost our operational capability in support of the anti-insurgency and anti-terrorism campaign,” pahayag ni PNP chief Police General Debold Sinas.

Tinanggap ng PNP Special Action Force-Air Unit (PNP-SAF) ang tatlong H-125 Airbus single-engine turbine helicopters sa Manila Domestic Airport sa Pasay City.

Ayon sa PNP, ang mga ito ay mula sa Airbus Helicopters Southeast Asia na binili mula sa General Appropriations Act 2019.

Dahil dito, mayroon nang pitong H-125s, dalawang R-22 Robinson helicopters, at isang fixed-wing trainer aircraft na lahat ay nasa Metro Manila.

Lahad pa ni Sinas na balak nitong magpadala ng dalawang helicopter sa Central Visayas at timog ng Mindanao habang isa sa hilagang Luzon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.