3 tumatayong testigo sa pagdinig ng Senado sa mga anomalya sa PhilHealth, ginawaran ng legislative immunity

Ginawaran ng Senado ng legislative immunity ang tatlong tumatayong testigo sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, patungkol sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Inaprubahan ng komite ngayong araw ang motion ni Senator Panfilo Lacson, na bigyan ng legislative immunity sina PhilHealth Board Member Alejandro Cabading, dating PhilHealth Executive Assistant Estrobal Laborte, at resigned Anti-Fraud Legal Officer Thorrsson Montes Keith.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng legislative immunity, hindi maaaring gamitin laban sa tatlong testigo ang mga isisiwalat nilang impormasyon sa pagdinig.

Matatandaang noong pagdinig ng komite noong nakaraang linggo, ay hiniling na ni Cabading ang pagkakaroon ng legislative immunity habang si Keith naman ay pormal na lumiham sa senado para hingin ito.

Una na rin kasing nagbabala ang mga opisyal ng PhilHealth, na gagawa sila ng legal na hakbang kontra kina Cabading at Keith, dahil sa pagtaguri sa kanila bilang bahagi ng ‘mafia’ na nagbubulsa ng pondo ng ahensya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.