3 Undersecretary ng DSWD, sinibak ni Pangulong Duterte

watch the video here:

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 3 undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinipa ni Pang. Duterte sa puwesto sina Maria Lourdes Turalde-Jarabe, Undersecretary for Promotive Operations and Programs Group; Mae Fe Ancheta Templa, Undersecretary for Protective Operations and Programs Group; at Hope Hervilla, Undersecretary for Disaster Response Management Group.

Tiniyak ni DSWD Secretary Rolando Bautista na inalis na nga ni Pangulong Duterte si Jarabe.

Noong Nobyembre 14 nang ipadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang notice of termination sa tatlong nasabing undersecretary.

Si Jarabe ay dating secretary general ng grupong Gabriela, habang si Hervilla ay regional chairperson ng Bayan Muna at si Templa ay miyembro ng Forum of Women for Action With Rody Duterte.

Sa ulat, taong 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte ang tatlong undersecretaries sa departamento.

Ayon kay Jarabe, hindi siya na nabigyan ng prior information hinggil sa naging pasya ng Chief Executive.

Ang paniwala ni Jarabe, ang pagiging left leaning o pagiging miyembro ng makakaliwang grupo ang isa sa mga maaring dahilan ng pagsibak sa kanya ni Pangulong Duterte.

Si Jarabe ay nagtapos na Cum Laude sa kursong Social Work sa Miriam College at naging top notcher sa board exam.

Aniya, nakapagtataka na sinibak siya sa pwesto gayung ginawa niya ang lahat ng pamamaraan para maayos na maserbisyuhan ang taong bayan.

Sinabi pa nito na sinunod din niya ang core values na isinulong noon ni dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo na ‘Tunay na Malasakit, Maagap at Mapagkalingang Serbisyo. Serbisyong Walang Katiwalian at Patas na Pagtrato sa komunidad.’

Samantala, nagpapasalamat pa rin si Jarabe sa oportunidad na ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte na mapagsilbihan ang taong bayan sa pamamagitan ng paglilingkod sa DSWD.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.