34 pabayang magulang dinakip ng mga pulis Maynila

Kasunod ng babala ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso laban sa magulang na pinababayaan sa kalsada ang kanilang anak, nasa 34 “irresponsible parents” ang dinakip ng mga pulis Maynila.

Ito’y dahil sa paglabag ng mga menor de edad nilang anak sa mga quarantine protocol.

Nauna nang sinabi ni Domagoso na ang pagpapabaya sa anak ay paglabag sa Anti-Child Endangerment Act.

“Kailangan matuto ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak. I have to bite the bullet, I have to implement the law to keep the order in Manila,” ani Domagoso.

“We’re not happy about it. I am not happy. I don’t want to separate children and parents. But I will do that if you’re irresponsible parents,” dagdag niya.

Kabilang sa mga naarestong magulang ay mula sa mga barangay 50, 51, 52, 53, 55, 56, 61, 221 at 228.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.