400,000 doses ng COVID-19 vaccine na donasyon ng China, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 400,000 doses ng CoronaVac vaccines na donasyon ng China para sa laban kontra COVID-19.

Alas-7:21 ng umaga nang lumapag ang Philippine Airlines flight PR 361 sa Tarmac ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 mula sa Beijing, China.

Sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, at Senador Christopher “Bong” Go ang mga bakuna.

Personal nilang sinaksihan ang offloading at inspeksyon ng COVID-19 vaccine na dinala rin sa Metropac Movers, Inc. storage facility sa Marikina City.

Bukod sa donasyon, mayroon pang isang milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac Biotech na binili ng national government ang inaasahang darating sa March 29.

Nasa 1.7 million health workers ang unang babakunahan at susundan ito ng identified priority groups.

Una nang sinabi ni NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na target nilang simulan sa Abril o Mayo ang mass vaccination program.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.