5 sa mahigit 23 SONA priorities ng Pangulong Duterte, naisabatas sa ilalim ng 18th Congress

Lima sa 23 na SONA priorities ng Pangulong Duterte ang naisabatas sa ilalim ng 18th Congress.

Sa pagbabahagi ni Deputy Secretary General for Legislative Operations Department Atty. David Robert Amorin, kabilang dito ang postponement ng May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, pagtatatag ng Malasakit Centers, Salary Standardization Law of 2019 kabilang ang mga guro at nurse, Increasing and Restructuring ng Excise Tax Rates on Alcohol, Heated Tobacco, and Vapor Products, at ang Creation of National Academy for Sports.

Lima rin sa mga ito ang lusot na sa Kamara at nai-transmit na sa Senado.

Kabilang diyan ang Rationalize Capital Income Taxation – Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), TRAIN 2 – Trabaho Bill – Corporate Income Tax & Incentives Rationalization Act na ngayon ay tinawag nang CREATE, Real Property Valuation and Assessment, pag-amyenda sa Public Service Act at ang pagbuo ng Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment o Department of OFW.

Ang nalalabing mga panukala ay kasalukuyan pang tinatalakay sa plenaryo, komite o kaya’y sa technical working group tulad ng panukala para sa pabuo ng Department of Disaster Resilience na nasa period of interpellation at Fire Protection Modernization Program na nasa Committee on Rules at inihahanda na ang committee report.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.