$500 milyong pautang para sa Pilipinas, inaprubahan ng World Bank

Papautangin ng $500 milyong World Bank ang Pilipinas para makabili at
maipakalat sa bansa ang mga bakuna kontra COVID-19.

Inaprubahan ng Board of Executive Directors ng WB ang pautang para
suportahan ang pagsisikap ng Pilipinas na mabakunahan ang mamamayan.

Kabilang dito ang priority groups na itinuturing na at risk tulad ng
frontline health workers, senior citizens at mahihirap na komunidad.

Kasama rin ang mga guro, government workers at mga katutubo.

Bukod sa pagbili ng mga bakuna, ang dagdag pondo ay tutulong rin para
suportahan ang programang pangkalusugan ng gobyerno hanggang sa mabakunahan na ang mayorya ng populasyon.

Sinabi ni Ndiame Diop, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia,
Philippines, and Thailand na ang pagbili at paggamit ng mga bakuna ay dagdag
depensa ng isang bansa laban sa COVID-19 bukod pa sa mga ipinaiiral na public
health measure at iba pang hakbang tulad ng social distancing, pagsusuot ng
face masks at paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.