55 dayuhang kumpanya interesadong mamuhunan sa Pilipinas

Ibinahagi ni Trade Secretary Ramon Lopez na 55 kumpanya na gumagawa ng mga produktong panlaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.

Sa ginanap na virtual general membership meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) noong Mayo 26, sinabi ni Lopez na ang mga naturang kumpanya ay gumagawa ng medical devices, medical supplies, at maging ng electronic components.

Tatlumpu’t lima sa mga ito ay nakabase sa China.

“We want to present the Philippines as a complementary host country,” ayon kay Lopez.

Bukod aniya sa paggawa ng coronavirus-related products, mayroon ding Chinese at non-Chinese na kumpanya na gumagawa ng “electrical equipment and appliances, metal products, automotive and auto parts, machinery and equipment, optical lenses, and furniture” na planong mag-relocate sa ating bansa at magpalawak ng operasyon.

Ang mga kumpanyang ito ay alinman sa apektado ng Covid-19 pandemic sa China o ng “trade tension” sa pagitan ng China at ng United States.

“One important thing is to accelerate these interests to the realization of investments,” ayon pa kay Lopez.

Aniya, ang mga investor na ito na nagnanais lumipat sa Pilipinas ay makikinabang sa European Union Generalised Scheme of Preferences Plus (EU GSP+) status ng ating bansa, kung saan nasa 6,274 produkto ang pumapasok sa merkado ng EU nang walang taripa.

Positibo rin si Lopez na makababalik ang ating bansa sa ating economic growth momentum pagkatapos ng pandemya.

Anang kalihim, “As we revive the economy, we have to support companies that will keep jobs and income. It’s very critical because it’s the jobs and income that will sustain demand if not strengthen demand. If you strengthen demand, it can encourage companies to produce more and supply and the virtuous cycle will continue.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.