60,000 doses ng COVID-19 vaccine, binili ng Kamara para sa kanilang mga empleyado at dependents nito

60,000 doses ng Novavax COVID-19 vaccine mula Serum Institute of India ang inorder ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa kanilang vaccine roll-out.

Ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, HREP CongVax Head, P50 million ang inilaan nila para sa Novavax para sa HOR employees at dependents nila.

Tiniyak naman umano sa kanya ng distributor na tuloy ang schedule sa pagdating ng Novavax sa July.

Bahagi ng vaccination program ng Kamara ang mga kawani, permanent man o contractual, Congressional Staff, mga empleyado ng Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Landbank of the Philippines, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), HRep Cooperative, Mutual Aid Association (MAA) at media na nakatalaga sa Kamara.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.