7 Pinoy seaman na nakulong sa Libya, nakauwe na!

watch the video here:

Emosyonal na sinalubong ng kani-kanilang pamilya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang pitong Filipino seafarers na inabsuwelto sa oil smuggling sa Libya nitong Martes ng gabi.

Sakay ng Turkish Airlines TK84 mula Libya via Istanbul, lumapag sa NAIA sina Arthur Taleño, Fulgencio Eulogio, Abraham Naduma, Gil Mercedes, Aldwin Emperado, Ronnie Moniva at Claro Aliera dakong alas-6:59 ng gabi nitong Marso 12.

Nakulong ang naturang seamen sa Libya noong 2017 matapos silang hatulan ng apat na taon na pagkabilanggo dahil sa umano’y tangkang pagpuslit ng 16 million litro ng langis.

Ipinag-utos naman ng Libyan High Court ang pagpapalaya sa kanila noong Pebrero 28, 2019.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.