756 na kilo ng shabu, nasabat ng PNP-Drug Enforcement Group sa Bulacan

756 na kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang 5 Bilyong piso ang nasabat ng PNP-Drug Enforcement Group sa isang warehouse sa Meralco Village, Marilao, Bulacan.

3 suspek ang naaresto sa operasyon na kinilalang sina Yuwen Cai, isang Chinese National at mga Pinoy na sina Angela Miole Tulio at Ma. Lyn Miole Tulio.

Nakalagay ang droga sa 63 kahon na personal na ininspeksyon ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa nang magtungo siya sa lugar kaninang pasado alas singko ng hapon.

Sinabi ni Gamboa na ang droga ay malamang galing sa abroad batay sa mga Japanese markings sa packaging.

Naniniwala din si Gamboa na “malaking-isda” ang naarestong Chinese National at hindi Lang tagabantay ng bodega base sa dami ng droga na narekober.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.