8 out of 10 Pinoy ang aprub sa aksyon ng Duterte Administration para pigilin ang pagkalat ng COVID-19

Nagpapasalamat ang Palasyo sa tiwalang ibinibigay ng publiko sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagtugon nito sa COVID-19.

Sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey, na isinagawa nitong ika-14 hanggang ika-20 ng Setyembre, sa 1,200 respondents, nakakuha ang administrasyong Duterte ng 84% approval rating sa pagtugon nito sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, buong pagpapakumbaba nilang tinatanggap ang magandang pagtingin at ibinigay na grado sa kanila ng publiko.

Sinabi ng kalihim na magsisilbi itong dagdag na inspirasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte, upang pagbutihin pa at magpursige pa ng husto para malampasan ng bansa ang hamong dala ng kasalukuyang health crisis.

“Pilipinas, maraming salamat po sa ibinigay ninyong tiwala na naman sa ating Presidente matapos po ninyong binigyan ng 91% trust rating at 91% performance rating ang Presidente, 84% naman po ang ibinigay ninyo sa pagdating ng handling ng Coronavirus-19. We are humbled and we are further inspired to serve the Filipino people in this time of pandemic and crisis. Maraming, maraming salamat po.” ayon kay Secretary Roque.

Kaugnay naman sa naitalang 6% na hindi sang-ayon sa COVID response ng pamahalaan, sinabi ni Secretary Roque, tigilan na ang pamumulitika at ipagpatuloy na lamang ang pagtulong sa mga Pilipino.

“Iyong mga nag-disapprove po sa ginagawa ng gobyernong Duterte para ma-control ang COVID-19 ay 6%, kasama na po diyan kilala ninyo na kung sino. Tapos iyong mga disapprove doon sa pagbibigay ng assistance at subsidy doon sa mga nawalan ng trabaho dahil nga po sa corona-19 kasama na po diyan kilala ninyo na kung sino. So, ang aking advice, tigil pulitika po. Tuloy lang natin ang tulong sa sambayanan.” pahayag ni Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.