8 sa 10 Pinoy kuntento sa war on drugs ni Pangulong Duterte, ipinamukha sa dayuhang kritiko

Muling binuweltahan ng Malakanyang  ang mga “outsider critics” nito na pawang mas magagaling pa sa mga manghuhula kung pag-uusapan ay kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tila sa hangin lang kinukuha ng mga dayuhang kritiko ng Administrasyon ang kanilang datos para palabasing malala na ang senaryo ng illegal drugs campaign ng pamahalaan dahil sa dami ng namamatay.

Dapat aniyang maalala ng mga foreign critics na nagsalita na ang mayorya ng mga Pilipino tungkol sa drug war ng gobyerno na kung saan ay 82 porsiyento o 8 sa 10 ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay nananatiling kuntento sa kampanya ng Administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Base na rin ito sa pinakahuling survey na inilabas ng SWS na ayon kay Panelo ay halos hindi nagbabago sa nakaraang dalawang taon.

Hamon ng tagapag-salita ng Palasyo sa mga kritiko nito, maglabas ng katunayang aabot na sa 20 libo ang namamatay sa drug war ng pamahalaan na aniya ay malayong -malayo sa 6 na libong mga casualties sa giyera ng Administrasyon kontra sa droga.

Dagdag ni Panelo, kaya nilang isa-isahin ang mga nangasawi sa illegal drugs campaign sabay hamon sa mga tagapuna na isa-isahin din kung sinu-sino ang nasa listahan nilang namatay na indibidwal at sa kung ano-anong mga sirkumstansiya naganap ang pagkasawi ng mga ito. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.