80-taong gulang na lola ginahasa sa Palawan

Inaresto ng Aborlan Municipal Police Station sa Palawan ang isang 42-taong gulang na magsasaka matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng isang 80-taong gulang na lola na kabilang sa tribung Tagbanua sa Aborlan, Palawan.

Kinilala lang ang suspek bilang alyas “hayok” matapos na tumanggi ang biktima na ilabas ang tunay na pangalan ng suspek sa pangambang baka balikan siya ng mga kamag-anak nito.

Sa ulat ni Police Regional Office 4B o MIMAROPA Spokesperson P/Lt.C. Imelda Tolentino na nakarating sa Camp Crame, July 3 nang lumapit ang biktima kasama ang apo nito sa himpilan ng pulisya sa Aborlan upang magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Nabatid na papauwi sana sa tinutuluyang kubo ang lola nang biglang dumating ang suspek at agad itong dinala sa madamong bahagi malapit sa bahay nito at doon na isinakatuparan ang kanyang makamundong pagnanasa.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Aborlan Municipal Police Station ang suspek habang isinasapinal na ang kasong paglabag sa RA 8353 na isasampa laban dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.