84 miyembro ng NPA sa Masbate sumuko

Nagbalik-loob sa gobyerno ang 84 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army sa Masbate kahapon.

Batay sa ulat, pinangunahan ni Major General Henry Robinson,Commanding General ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol ang seremonya sa pagtanggap sa mga rebelde na isinagawa naman sa Masbate City kung saan dinaluhan din ng mga opisyal mula sa PNP,DILG,LGU at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Napag-alaman na ang naturang mass surrender ng mga NPA sa gobyerno ay itinuturing na pinakamalaking bilang ng pagsuko sa Bicol na bunga naman umano ng pakikipagtulungan ng militar,kapulisan at lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng ilang ahensya ng gobyerno ang grupo ng militar at kapulisan sa lalawigan sa pamumuno ni Army 2nd IB Battalion Commander Col.Siegfred Awichen at Masbate Police Provincial Director P/Col.Joriz Cantoria kung saan naging instrumento ang mga ito sa paghikayat sa mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Kaagad din namang binigyan ng inisyal na tulong ng gobyerno ang mga ito sa kanilang pagbabagong-buhay na matagal ding hindi normal sa kabundukan ng lalawigan.

Samantala, sinabi naman ni Masbate City Mayor Rowena Tuason, na dumalo rin sa naturang okasyon, na handa ang lokal na pamahalaan nito na tulungan ang mga rebelde kabilang ang kanilang pamilya na mabigyan ng hanapbuhay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.