84 supporter ng CPP-NPA sa Southern Tagalog, sumuko

Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, ang boluntaryong pagsuko sa pamahalaan ang 84 na supporter ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA), sa Southern Tagalog.

Ang mass surrender na isinagawa sa Antipolo Institute of Technology, Sitio Cabading, Brgy. San Jose, Antipolo City, ay sinaksihan ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa pamumuno ni Major General Bartolome Vicente Bacorro, Rizal Governor Casimiro Ynares, Presidential Adviser for Southern Tagalog, at iba pang mga lokal na opisyal.

Ang seremonya ay kinatampukan ng panunumpa ng mga nagbalik-loob ng katapatan sa pamahalaan, at pagsunog ng bandila ng CPP-NPA.

Sa mensahe ni PNP Chief Police General Debold Sinas, na binasa ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz, nagpasalamat ang heneral sa muling pagtitiwala ng mga dating rebelde sa pamahalaan.

Nanawagan din si Sinas sa iba pang supporter ng CPP-NPA, na tanggapin na ang alok ng pamahalaan na pagkakataon para makapagbagong buhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Albert Ignatius Ferro, ang mass surrender ay inisyatibo ng CIDG sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP), upang mailantad ang ugnayan ng CPP-NPA sa mga urban-based legal front organizations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.