85% Pinoy nag-aalalang mahawahan ng COVID-19: SWS Survey

Tinatayang nasa 85% ang Pilipinong nag-aalala na mahawahan sila o maging ang pamilya nila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Mas mababa ito kumpara sa 87% na naitala noong buwan ng Mayo.

“Are you worried or not worried that you or someone in your immediate family might catch COVID-19?” tanong ng SWS sa kanilang survey.

Sa national mobile phone survey na isinagawa noong July 3 hanggang July 6 sa 1,555 adult Filipinos, napag-alaman na 67% ng mga Pinoy ang lubos na nag-aalala; 18% ang medyo nakakaramdam ng pagkabahala; 8% ang mayroong kaunting pagkabahala; at 7% ang hindi naman nakakaramdam ng pag-aalala.

Pinakamataas naman ang nababahala sa Metro Manila na may 92%; sinundan ng Balance Luzon na may 87%; Visayas na may 85%; at Mindanao na may 77%.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.