8pm-5am curfew sa Maynila, Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang ordinansa na nagbabalik sa alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga na “curfew hours” habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila.

Sa isinagawang “special session” ngayong araw ng Manila City Council sa pangunguna ni Majority Floor Leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua at ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan bilang Presiding Officer, agad nilang naaprubahan ang pagbabalik ng nasabing curfew hours bunsod na rin sa kahilingan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaang lungsod ang lahat ng residente sa Maynila na bawal silang lumabas ng kanilang bahay sa oras ng curfew dahil ang lahat ng lalabag sa nasabing kautusan ay mahaharap sa kaukulang parusa tulad ng multa at pagkakakulong batay na rin sa ipapataw ng korte.

Mahigpit pa rin na ipinapatupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagpapanatili ng physical distancing.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.