9 high-ranking terrorist leaders, na-nutralisa ng Philippine Army

Nanutralisa ng Philippine Army ang siyam na high ranking terrorist leaders sa unang anim na buwan ng taon.

Sa first semester virtual Command Conference ng Philippine Army, iniulat ni Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay, na ang siyam ay kabilang sa 124 na terorista na napatay, at 95 nahuli sa 279 engkwentro ng Phil. Army laban sa mga komunista, at local terrorist groups kung saan nabawi ang 422 armas.

Partikular na binanggit ni Gapay si Julius Giron, chairman ng Communist Party of Philippines Central Committee, na napatay sa encounter sa Baguio City.

Malaking dagok din aniya sa kilusang komunista ang pagkakahuli kay Anne Margarette Tauli, secretary ng Regional White Area Committee ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Ayon kay Gapay, ang pagkakanutralisa sa mga key leader ng CPP-NPA, ay nakalikha ng “leadership vacuum” na nagresulta sa pagkapilay ng kilusang komunista.

Dagdag ni Gapay, ang Philippine Army ay nakipagtulungan din sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para bigyang daan ang pagsuko ng 1,705 terorista, at 378 assorted firearms sa implementasyon ng whole of Nation approach sa ELCAC o “End the local communist armed Conflict.”

Dahil dito, pinapurihan ni Gapay ang kanyang mga tauhan, dahil sa ipinakita nilang accomplishments sa kampanya laban sa mga terrorist groups sa gitna ng kinakaharap na hamong dala ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.