90 Chinese nationals, 2 Malaysians, arestado ng CIDG dahil sa iligal na operasyon ng POGO

Nahaharap ngayon ang 90 Chinese at dalawang Malaysians sa kasong paglabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at PD 1602 at RA 9287 (illegal number games) na mag kinalaman sa RA 10175 (cybercrime law).

Ito’y matapos silang arestohin ng PNP CIDG Anti-Organized Crime Unit (AOCU) sa operasyon sa Mariche Apartelle, Brgy. Mabolo 1, Bacoor, Cavite.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang CIDG na may mga Chinese nationals na pakalat-kalat sa labas ng apartelle na hindi sumusunod sa quarantine protocols gaya ng hindi pagsuot ng face mask, pag-orbserba sa physical distancing at hindi nagsusuot ng pangitaas na t-shirt.

Sa isinagawang operasyon, napag-alaman ng CIDG na 48 sa mga banyaga ang nagtatrabaho sa online gaming operation habang ang iba ay pakalat-kalat lang sa lugar.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 53 laptops, 102 unit cellpones, passport at nasa P5.3-million cash.

Walang maipakitang dokumento ang mga banyaga gaya ng working permits at passports na ligal ang kanilang online gaming operation.

Kasalukuyang ikinulong muna sa nasabing apartelle ang mga inarestong banyaga, habang hinahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.