9,000 trabaho ang mabibigyan para sa proyekto ng Metro Manila subway

Siyam na libong job openings pa ang mabubuksan sa sandaling ikasa na ang gagawing paghuhukay para sa Metro Manila subway project.

Ito ang sinabi ni Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo base na rin aniya sa nakuha niyang impormasyon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon kay Panelo, nine thousand slots ang kakailanganin ng pamahalaan para mabuo ang workforce ng Filipino-Japanese joint venture na proyekto at direct hiring aniya ang mangyayari sa pagkuha ng mga tao.

Kaugnay nito ay sinabi ni Panelo na sa Enero ng susunod na taon, inaasahang darating sa bansa ang isa sa dalawang tunnel boring machine na siyang maghuhukay sa ilalim ng lupa.

Ang ikalawang makina naman ay darating ng Pebrero at manggagaling din ng Yokohama sa Japan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.