Abogadong pumipilit sa health record ni Pangulong Duterte, minura ni Sec Locsin

Binutata ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang abogado na hinamon ang Palasyo na patunayang 88 percent ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tweet ni Locsin, namura nito si Atty. Dino de Leon matapos na muling magkainteres sa health record ng Pangulo.

“Tell that local lawyer to go f*ck himself from me,” saad ni Locsin.

Si De Leon ay ang naghain din ng petisyon sa Korte Suprema para ilabas ang health record ni Duterte, ngunit ito’y ibinasura.

Samantala, sinagot naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang bagong hamon ni De Leon.


“He’s had his day in court when the SC (Supreme Court) dismissed his petition. He should accept his defeat graciously,” ayon sa tagapagsalita ni Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.