ABS-CBN Chairman emeritus na si Gabby Lopez, pinadadalo sa susunod na pagdinig ng Kamara

Inimbitahan ng Kamara si Eugenio Gabriel “Gabby” Lopez III, chairman emeritus ng ABS-CBN Corporation na dumalo sa susunod na pagdinig ng Kamara sa Miyerkules.

Ito ay upang mabigyang pagkakataon si Lopez na personal na dipensahan o ipaliwanag ang isyu ng kanyang citizenship.

Isa kasi ito sa mga isyu na tatalakayin sa susunod na pagdinig.

Batay kasi sa pahayag ng mga oppositors, labag sa batas ang pagiging may-ari ni Lopez ng ABS-CBN dahil sa siya ay isang American citizen.

Ngunit paliwanag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, batay sa nationality law na jus saguinis ay Filipino citizen si Lopez dahil parehong Pilipino ang magulang nito kahit pa sa Estados Unidos siya pinanganak.

Sang-ayon na rin aniya ito sa Section 1 Article 4 ng 1935 Constitution na applicable sa kaso ni Lopez na ipinanganak noong 1952.

Bukod naman dito ay inilahad din ni Katigbak ang kanilang panig hinggil sa umano’y 50-year limitation ng pagbibigay prangkisa sa isang media network.

Wala aniyang sinasabi sa batas na hindi na maaaring bigyan ng panibagong prangkisa ang isang broadcast network kung lagpas na ang operasyon nito sa 50-taon.  Tanging ang pag-gawad lamang ng prangkisa na hindi lalagpas sa 50-years ang nakasaad dito.

Nilinaw rin ni Katigbak na ang mga Philippine Depository Receipts ay hindi share sa kumpanya.  Wala ring kapangyarihan na bumoto ang mga PDR holders sa ano mang usapin na may kinalaman sa ABS-CBN dahil hindi sila share holders.

Ipinunto rin nito na maging ang iba pang broadcast network tulad na lamang ng GMA ay nag-i-isyu ng PDR sa pamamagitan ng kanilang holding companies.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.