ABS-CBN franchise, tuluyan nang ibinasura ng Kongreso

Tuluyan nang ibinasura ang prangkisa ng ABS-CBN matapos hindi pinaboran ng mayorya ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa rito.

Sa isinagawang botohan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, 70 sa mga mambabatas ang pumabor na hindi na bigyan ng prangkisa ang giant network, 11 ang nais na bigyan pa ito ng prangkisa habang dalawa ang nag-inhibit at isa naman ang nag-abstain.

Click the PICTURE to WATCH THE VIDEO:

Matataandaan na tinalakay sa 12 hearings ng komite ang iba’t-ibang isyu  na inirereklamo laban sa TV network kabilang ang citizenship ng chairman emeritus na si Gaby Lopez, paglabag sa labor, paggamit ng tax shield,  kuwestyonableng relasyon ng ABS-CBN sa AMCARA Network at pagiging biased sa news reports.

Nitong Mayo 4, 2020, ay ipinasara ng National Telecommunication Commission ang broadcasting ng ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.