ABS-CBN, itinangging may emesaryo sila para alukin ng P200-M ang mga kongresista

Mariing pinasinungalingan ng ABS-CBN ang ibinunyag ni ACT CIS Party List Cong. Eric Yap na may emisaryo ang kanilang kompanya para mag-alok ng P200 million kapalit ng pagpabor sa kanilang prangkisa.

Sa isang statement, sinabi na ABS-CBN na naniniwala sila sa proseso at nagpakita naman sila ng buong kooperasyon sa pagsagot sa lahat ng isyung ipinukol sa network sa loob ng labindalawang pagdinig.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa na ang summation ng lahat ng isyu na lumabas sa labindalawang pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability.

Ito ay bago pagbotohan kung bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.